Blog

SAVVICE QUARTER 2 HIGHLIGHTS

Sustainability, Recognition, and Growth

Sa 2nd quarter ng taon, patuloy na ipinakita ng SAVVICE ang sustainability commitment, employee engagement, at operational excellence. Ito ay sa pamamagitan ng mga makabagong programa, pagkilala sa mga empleyado at sa kanilang serbisyo, at pagdagdag ng mga bagong kagamitan na makatutulong sa paglago. Patuloy na pinapalakas ng kumpanya ang serbisyong binibigay nito para sa mga kliyente at mga empleyado.

Driving Sustainability Through Proactive Solutions

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, nanatiling handa ang SAVVICE sa pamamagitan ng paggamit ng Electric Vehicles (EVs) at pagbuo ng carpooling system para sa mga empleyado at kliyente nito. Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng sustainability initiatives ng kumpanya upang mabawasan ang epekto ng fuel crisis at mapanatiling maayos ang operasyon.

Higit sa lahat, kapansin-pansin ang malasakit ng kumpanya sa mga tao nito. Dahil sa maagang paghahanda ng management, hindi naapektuhan ang kabuhayan ng mga empleyado, lalo na ang mga driver. Isang patunay ito na sa SAVVICE, mahalaga ang pag-unlad ng negosyo kasabay ng pag-aalaga sa kapakanan ng bawat empleyado.

Celebrating Loyalty and Excellence

Naging makabuluhan rin ang isinagawang General Assembly kung saan ibinahagi sa mga empleyado ang mahahalagang plano at programa ng kumpanya para sa mga susunod na buwan. Naging pagkakataon ito upang mas mapagtibay ang pagkakaisa at maunawaan ng bawat isa ang direksiyon ng organisasyon.

Kasabay nito ang Service Awards Ceremony na nagbigay-pugay sa mga empleyadong naglaan ng maraming taon ng dedikasyon at serbisyo sa kumpanya. Kinilala ang mga empleyadong umabot sa 15 taon at 5 taon ng panunungkulan bilang pasasalamat sa kanilang katapatan, sipag, at mahalagang ambag sa patuloy na tagumpay ng SAVVICE.

Investing in Better Equipment for Better Service

Bilang bahagi ng commitment sa service excellence, nagdagdag ang SAVVICE ng mga bagong trucks at street sweepers noong Abril at Mayo. Ang mga bagong equipment na ito ay magpapalakas sa kakayahan ng kumpanya na makapaghatid ng mas mabilis, mas-efficient, at mas de-kalidad na serbisyo sa mga kliyente.

Bukod sa pagpapabuti ng operasyon, nagbibigay rin ito sa mga empleyado ng mas modernong kagamitan na makatutulong sa kanilang araw-araw na trabaho. Isa itong mahalagang hakbang habang patuloy na naghahanda ang SAVVICE para sa mga oportunidad at hamon sa hinaharap.

Moving Forward

Mula sa pagpapatupad ng sustainable solutions, pagkilala sa mga empleyadong matagal nang naglilingkod, hanggang sa pag-invest sa mga bagong kagamitan, ipinakita ng SAVVICE ngayong Quarter 2 ang patuloy nitong pagsisikap na umangat at magbigay ng pinakamahusay na serbisyo. Habang nagpapatuloy ang taon, nananatiling nakatuon ang kumpanya sa paglago, innovation, at sa paglikha ng mas magandang karanasan para sa mga kliyente at empleyado nito.